Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CPC, pinag-aralan ang kalagayang pangkabuhayan

(GMT+08:00) 2019-07-30 18:50:15       CRI
Pinanguluhan kahapon, Martes, ika-30 ng Hulyo 2019, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, kung saan pinag-aralan ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan at binalak ang gawaing pangkabuhayan sa ikalawang hati ng taong ito.

Ayon sa pulong, noong unang hati ng taong ito, matatag ang takbo ng kabuhayang Tsino, sumulong ang supply-side structural reform, lumalim ang reporma at pagbubukas sa labas, mabuti ang kalagayan ng paghahanapbuhay, mabunga ang gawain ng pagpawi ng karalitaan, tumaas ang lebel at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, at dumami ang mga positibong elemento bilang pagtataguyod sa pag-unlad sa mataas na kalidad.

Ayon pa rin sa pulong, sa ikalawang hati ng taong ito, dapat igiit ang prinsipyo ng "pagsasakatuparan ng pag-unlad habang pinapanatili ang katatagan" para sa mga gawaing pangkabuhayan. Ipinahayag din sa pulong na dapat patuloy na pasulungin ang supply-side structural reform, pag-unlad sa mataas na kalidad, reporma at pagbubukas sa labas. Kailangang patuloy ding isagawa ang matatag na macro-policy, pleksibleng micro-policy, at mga patakarang panlipunang makakabuti sa lahat ng mga mamamayan, diin ng pulong.

Iniharap din sa pulong ang mga konkretong hakbangin para sa pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pagkatig sa mga pribadong kompanya, pagpapatatag ng sektor ng real estate, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>