Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-52 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, binuksan

(GMT+08:00) 2019-07-31 15:28:20       CRI

Bangkok, Thailand — Pinasinayaan Miyerkules, Hulyo 31, 2019 ang Ika-52 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Tatalakayin dito ng mga kalahok ang tungkol sa mga temang gaya ng pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, at pagpapalakas ng pakikipagkooperasyon sa mga dialogue partners nito.

Sa kanyang mensahe sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na pagpasok sa taong ito, natamo ng ASEAN ang isang serye ng bungang pangkooperasyon at isinagawa ang isang serye ng proyektong pangkooperasyong pinakikinabangan ng mga mamamayan.

Dagdag pa niya, dapat palakasin ng ASEAN ang pakikipagkooperasyon sa mga dialogue partner nito at mga bansa sa labas ng rehiyon para maisakatuparan ang hangarin ng ASEAN.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>