|
||||||||
|
||
Nagtagpo Hulyo 31, 2019, sa Bangkok ng Thailand, sina Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore.
Ipinahayag ni Wang Yi na, malakas ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore sa taong ito, na nagdulot ito ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa bilateral na relasyon ng dalawang panig. Ang susunod na taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, at para rito, nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Singapore, para palalimin ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), pabutihin ang pagtatatag ng "New Land-Sea Corridor" at kooperasyon ng tatlong panig, at lalo pang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa inobasyon at Smart City.
Ipinahayag naman ni Balakrishnan ni Vivian na sa kasalukuyan, mabuti ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Madalas aniya ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas, malalim ang koneksyon ng estratehiya ng pag-unlad, aktibo ang pagtatatag ng pag-u-upgrade ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at Singapore, at maalwan ang progreso ng mga proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan. Dagdag niya, iginigiit ng Singapore ang patakaran na Isang Tsina. Sa hinaharap, nakahanda ang Singapore na patuloy na gaganap ng konstruktibong papel para sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN, aniya pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |