Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi at Mike Pompeo, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-08-02 14:49:00       CRI

Bangkok, Thailand—Nagtagpo Huwebes, Agosto 1, 2019 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.

Sinabi ni Wang na dapat tumpak na tingnan ng Tsina at Amerika ang estratehikong intensyon ng isa't isa. Aniya, hindi makatarungan at tiyak na mabibigo ang paghadlang sa prosesong pangkaunlaran ng Tsina, dahil may karapatan sa pag-unlad ang Tsina, at hindi mahahadlangan ang mapayapang pag-unlad nito. Dapat aniyang lubos na patingkarin ng kapuwa panig ang namumunong papel ng diplomasya ng mga lider ng dalawang bansa para sa relasyong Sino-Amerikano, mabisang gamitin ang iba't ibang mekanismo ng diyalogo sa mataas na antas, palakasin ang pagsasanggunian sa iba't ibang larangan, at gawing katotohanan ang hangarin ng mga lider ng Tsina't Amerika sa pagiging kooperatibong partner ng dalawang bansa.

Inulit naman ni Pompeo na walang intensyon ang pangulo at pamahalaan ng Amerika na pigilan ang pag-unlad ng Tsina. Nakahanda aniya ang Amerika na isagawa ang kooperasyon sa Tsina sa malawakang larangan. Umaasa rin aniya siyang maalwang mapapasulong ang pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Wang ang paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa South China Sea, Xinjiang at Hong Kong. Humiling siya sa panig Amerikano na igalang ang nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng panig Tsino. Sinabi rin niya na kailangang maging maingat ang Amerika sa pananalita at aksyon. Samantala, sinang-ayunan ng kapuwa panig na panatilihin ang pag-uugnayan sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>