|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Simon Birmingham, Ministro ng Kalakalan, Turismo, at Pamumuhunan ng Australia, na puspusang magsisikap ang kanyang pamahalaan para mapasulong ang pagtatapos ng talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa loob ng kasalukuyang taon.
Mula noong Agosto 2 hanggang 3, ginanap sa Beijing ang pulong ministeryal ng RCEP. Sa panahon ng pulong, sinabi ni Birmingham na napakahalaga ng RCEP para sa pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyong ito. Aniya, kung mararating ang kasunduan, mapapalakas ang koneksyong pangkalakalan at pampamumuhunan sa rehiyong ito, at mabibigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga bahay-kalakal sa kanilang pagnegosyo sa rehiyong ito.
Kaugnay ng relasyong Sino-Australyano, ipinahayag niya na patuloy na pasusulungin ng kanyang bansa ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa para mailikha ang mas maraming pagkakataon sa kooperasyon ng kapwa panig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |