Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ECB, nagbabala sa paglala ng tensyong pangkalakalan

(GMT+08:00) 2019-08-06 11:12:32       CRI

Frankfurt, Alemanya—Nagpalabas ng ulat nitong Lunes, Agosto 5, local time ang European Central Bank (ECB), na tumatayang manunumbalik nang katamtaman lamang ang pandaigdig na kalakalan sa susunod na ilang kuwarter. Kasabay nito, mananatili pa ang banta ng ibayo pang paglala ng tensyong pangkalakalan, dagdag pa ng ulat.

Ang nasabing ulat ay mababasa sa pinakahuling edisyon ng Economic Bulletin ng ECB. Anito, sa kabila ng ilang palatandaan ng pagpapanumbalik, mananatiling mas malamlam ang pandaigdig na kalakalan kaysa sa mga aktibidad na pangkabuhayan.

Ayon sa ulat, isa sa mga pangunahing dahilan ng pababang tunguhin ng pandaigdig na kalakalan ay ang pagpapatupad ng mas mataas na taripa nitong ilang buwang nakalipas.

Simula noong huling hati ng taong 2018, inanalisa ng ECB ang pagiging matumal ng pandaigdig na kalakalan. Ayon sa ECB, malawakan ito sa iba't ibang rehiyon ng daigdig at mas matindi kaysa sa pagbaba ng paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>