Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Comprehensive economic embargo" ng Amerika, buong tinding kinokondena ng Venezuela

(GMT+08:00) 2019-08-07 14:58:41       CRI

Nitong Lunes, Agosto 5, 2019, nilagdaan ni US President Donald Trump ang administratibong utos na nagpapa-freeze sa lahat ng ari-arian ng pamahalaan ng Venezuela sa loob ng Amerika. Ayon sa utos, di-maaaring gamitin ang nasabing mga ari-arian sa mga paraang tulad ng paglilipat, pagbabayad, at pagluluwas. Bukod dito, posibleng ipagbawal din ang pagpasok sa Amerika ng mga mamamayang Venezuelan na nagse-serbisyo sa pamahalaan ni Nicolás Maduro Moros.

Ipinalalagay ng opinyong publiko na hanggang sa kasalukuyan, ang pag-freeze ng lahat ng ari-arian ng pamahalaang Venezuelan sa Amerika ay pinakamahigpit na sangsyon ng pamahalaang Amerikano laban sa pamahalaan ni Maduro.

Kaugnay nito, buong tinding kinondena ng pamahalaang Venezuelan ang pagsasagawa ng Amerika ng "comprehensive economic embargo" laban sa Venezuela. Ipinahayag nito na ang isinasagawang ilegal na sangsyon at blokeyong pangkabuhayan ng Amerika sa Venezuela ay "economic terrorism." Ito anito ay nagdudulot ng grabeng pinsala sa kabuhayan at lipunan ng Venezuela.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>