Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

46 na bansa, lumagda sa Singapore Convention on Mediation

(GMT+08:00) 2019-08-08 10:25:24       CRI
Lumagda kahapon, Miyerkules, ika-7 ng Agosto 2019, sa Singapore, ang 46 na bansang kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Timog Korea, Indya, Singapore, Malaysia, Iran, Israel, at iba pa, sa United Nations Convention on International Settlement Agreements Resulting from Mediation o tinatawag ding Singapore Convention on Mediation. Sila ang mga bansang unang lumagda sa kombensyong ito.

Ang Singapore Convention on Mediation ay pinagtibay noong Disyembre 2018 ng Pangkalahatang Asembleya ng UN. Layon nitong pasulungin ang pagpapatupad ng mga kasunduan hinggil sa paglutas sa mga pandaigdig na hidwaang komersyal na narating sa pamamagitan ng medyasyon. Ito ay makakatulong sa pagpapalakas ng papel ng medyasyon.

Sa kani-kanilang pahayag kaugnay ng paglagda sa kombensyon, sinabi nina Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore at Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, na ipinakikita nito ang kahalagahan ng multilateralismo at bukas na posisyon ng iba't ibang bansa sa negosyo, kalakalan, at pamumuhunan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>