Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtuturing ng Amerika sa Tsina na "currency manipulator," taliwas sa kapwa tuntunin at katotohanan

(GMT+08:00) 2019-08-08 11:11:43       CRI
Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-7 ng Agosto 2019, sa Beijing, ni Wang Chunying, Tagapagsalita ng State Foreign Exchange Administration ng Tsina, na walang katwiran ang pagtuturing ng Amerika sa Tsina na "currency manipulator," at taliwas ito sa kapwa tuntunin at katotohanan. Ang aksyong ito rin aniya ay magdudulot ng negatibong epekto sa kapaligiran ng kabuhayan at kalakalan ng buong daigdig, at hahadlang sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Sinabi ni Wang, na nauna rito, ginawa minsan ng Amerika ang pamantayan kung paano itakda ang isang bansa bilang "currency manipulator," batay sa mga malinaw na estadistika. Pero aniya, sa kasalukuyang pagtatakda ng Amerika sa Tsina bilang currency manipulator, hindi nito ginamit ang nabanggit na pamantayan at sa halip, ginamit ang isang naunang batas na binalangkas noong 1988, at wala itong konkretong pamantayan sa pagtatakda sa isang bansa bilang currency manipulator.

Sinabi rin ni Wang, na ang pagbaba kamakailan ng palitan ng RMB kontra sa US Dollar ay resulta ng reaksyon ng pamilihan sa paglala ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika at bagong plano ng Amerika ng pagpataw pa ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino. Samantala, ani Wang, sinabi ng Tesorarya ng Amerika na ang hindi panghihimasok ng Tsina sa pagbaba ng halaga ng RMB ay pagmamanipula sa salapi. Ito ay balighong pahayag, dagdag niya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>