Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagtuturing ng Amerika sa Tsina na "currency manipulator," maraming negatibong epekto

(GMT+08:00) 2019-08-07 22:24:46       CRI
Nitong nakalipas na ilang panahon, dahil sa pagsasagawa ng Amerika ng unilateralismo, at pagpapalala ng alitang pangkalakalan sa Tsina, nakakaranas ng kaligaligan ang pandaigdig na pamilihang pinansyal. Sa ilalim ng pagbabago ng suplay, pangangailangan, at ekspektasyon sa pamilihan, bumaba kamakailan ang palitan ng RMB kontra sa US Dollar, at ngayon ay nasa mas mababa sa 7 yuan RMB kada isang dolyar.

Ang naturang normal na reaksyon ng pamilihan ay sinamantala ng panig Amerikano bilang pagkakataon. Taliwas sa mismong tuntunin at katotohanan, itinuturing ng Amerika ang Tsina bilang "currency manipulator." Layon nitong ibayo pang patawan ng presyur ang Tsina sa isyu ng kalakalan, at tugunan ang pangangailangang pulitikal sa loob ng Amerika.

Sa katotohanan, sapul nang isagawa noong 1994 ng Tsina ang reporma sa mekanismo ng pagbuo ng exchange rate ng RMB, gumaganap ang pamilihan ng higit na malaking papel sa pagbabago ng palitan ng RMB. Sa pinakahuling regular na pagtasa sa kalagayan ng kabuhayan ng Tsina na ginawa ng International Monetary Fund noong Hunyo ng taong ito, ipinalalagay nitong, ang paghawak ng Tsina ng palitan ng salapi nito ay angkop, sa pangkalahatan, sa mga elementong pangkabuhayan. Samantala, sa nagdaang limang kalahating taunang ulat sa loob ng administrasyon ni Donald Trump, hindi naman itinuring ng Tesorarya ng Amerika ang Tsina bilang currency manipulator.

Ang kasalukuyang pagtuturing ng Amerika sa Tsina na "currency manipulator" ay lilikha ng bagong hadlang sa pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ito rin ay magdaragdag ng kaligaligan sa pandaigdig na pamilihang pinansyal, at magdudulot ng negatibong epekto sa pag-ahon ng pandaigdig na kabuhayan at kalakalan. Sinabi naman ni Lawrence Summers, dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, na hindi makatwiran ang pagtuturing ng Amerika sa Tsina na "currency manipulator." Ito aniya ay makakapinsala sa kredibilidad ng pamahalaang Amerikano at magdudulot ng panganib ng resesyong pangkabuhayan sa bansang ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>