|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 7, 2019 ng pamahalaang Venezuelan na dahil sa pagpapataw ng sangsyon ng Amerika at imposisyon ng blokeyong ekonomiko laban sa bansa, ipinasiya ng pamahalaan na pansamantalang huwag magpadala ng kinatawan sa diyalogo sa oposisyong partido ng bansa.
Sinabi nito na sa mula't mula pa'y aktibong isinusulong, pinaninindigan, at sinusuportahan ni Juan Guaido, lider ng partido oposisyon ng Venezuela, ang pagsasagawa ng administrasyon ni Donald Trump ng ilegal na sangsyon at pag-atake sa Venezuela. Ito anito ay grabeng lumalapastangan sa soberanya ng bansa at pundamental na karapatan ng mga mamamayan. Kaya hindi ipapadala ng pamahalaang Venezuelan ang kinatawan sa nasabing diyalogo.
Sa kanyang Twitter account, ipinahayag nang araw ring iyon ni Vladimir Padrino López, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Venezuela, na dapat agarang bigyan ng parusang pambatas ang oposisyon dahil sa bukas nilang paghingi ng sangsyon mula sa Amerika.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |