Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wall Street Journal: maling patakarang pangkalakalan, posibleng magdulot ng resesyong pangkabuhayan sa Amerika

(GMT+08:00) 2019-08-09 16:18:31       CRI
Isang editoryal ang ipinalabas kahapon, Huwebes, ika-8 ng Agosto 2019, ng pahayagang Wall Street Journal ng Amerika, na nagsasabing ang maling patakarang pangkalakalan ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump ay posibleng magdulot ng resesyong pangkabuhayan sa bansa.

Ayon sa editoryal, sapul nang palalain noong 2018 ng Amerika ang alitang pangkalakalan sa ibang mga bansa, humina ang kompiyansa ng mga kompanyang Amerikano at bumaba ang kanilang paggastos. Anang editoryal, ito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa pag-unlad ng kabuhayang Amerikano. Sa kasalukuyan, ang paglaki ng kabuhayan ay bumaba sa 2% mula sa halos 3% nauna rito, at ang karaniwang buwanang bilang ng mga bagong hanapbuhay ay bumaba rin sa 165 libo, mula sa 223 na libo noong 2018, dagdag ng editoryal.

Sinabi rin ng editoryal, na nananatiling mababa ang lebel ng deposito sa Amerika, dahil dito, kailangang angkatin ng bansa ang kapital mula sa labas, at ang pag-aangkat ng kapital ay nangangahulugan ng trade deficit. Pero, mukhang hindi napagtatanto ni Trump ang pinag-uugatang sanhing ito na nagresulta sa hindi pagbuti ng kalagayan ng trade deficit ng Amerika, anang editoryal.

Pinuntuhan din ng naturang editoryal ang hinggil sa plaktuwasyon ng palitan ng RMB, salaping Tsino kontra sa US Dollar. Anito, ang pagpataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino ay nagresulta sa pagbaba ng pangangailangan ng pamilihan sa RMB, samantala, ang pagbili ng pandaigdig na kapital ng US Dollar para iwasan ang panganib ay nagresulta sa pagtaas ng halaga ng salaping ito. Kaya, ang pagbabago ng palitan ng RMB ay dahil sa relasyon ng suplay at pangangailangan sa pamilihan, sa halip na manipulasyon di-umano ng Tsina, diin ng editoryal.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>