Sinabi kahapon, Biyernes, ika-9 ng Agosto 2019, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na tinanggap niya ang isa pang liham mula kay Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea.
Sinabi ni Trump sa media, na mabuti at lubos na positibo ang liham na ito. Samantala, aniya pa, ipinahayag din ni Kim ang kawalang-kasiyahan sa ginaganap na magkasanib na pagsasanay militar ng Amerika at Timog Korea.
Ipinalalagay din ni Trump, na muling makikipagtagpo siya kay Kim sa hinaharap. Pero, hindi binanggit niya ang konkretong panahon at lugar na pagdarausan ng pagtatagpo.
Salin: Liu Kai