|
||||||||
|
||
Ayon sa Korean Central News Agency, binigyang-patnubay nitong Sabado, Agosto 10, 2019 ni Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, ang pagsubok-lipad ng isang bagong uri ng missile.
Ayon sa ulat, matapos ang pag-analisa sa resulta ng nasabing pagsubok-lipad, mas mabuti ang bagong uri ng sandata kaysa kasalukuyang weapon system.
Hindi isiniwalat ng nasabing ulat ang kongkretong lugar ng pagpapalipad.
Bago ito, tinanggap ni US President Donald Trump ang liham mula kay Kim Jong-un na nagsasabing hindi nito ikinatuwa ang US-South Korea joint military exercises.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |