Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Martes, ika-13 ng Agosto 2019, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong ito, aktuwal na nagamit sa bansa ang mga puhunang dayuhang nagkakahalaga ng mahigit 533 bilyong yuan RMB, at ang bilang na ito ay mas malaki ng 7.3% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ayon pa rin sa estadistika, mabilis ang paglaki ng mga puhunang dayuhang inilaan sa mga sektor ng hay-tek na manupaktura at hay-tek na serbisyo ng Tsina. Samantala, ang Alemanya, Timog Korea, at Hapon ay kabilang sa mga bansang may mabilis na lumaking pamumuhunan sa Tsina.
Salin: Liu Kai