Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkonsumo ng sining, bagong highlight ng paglaki ng kabuhayang Tsino

(GMT+08:00) 2019-08-15 17:13:38       CRI

Tumaas nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng walang humpay na pagtaas ng kita, ang pagkonsumo sa kultura at sining ng mga mamamayang Tsino. Naging bagong highlight ang pagkonsumo sa palabas na kultural, na kinabibilangan ng musicals, sa pagdudulot ng paglaki ng kabuhayan.

Inilabas kamakailan sa Shanghai at Guangzhou ang Matilda, klasikong musical ng London's West End, na umakit ng maraming fans na Tsino.

Sa katotohanan, naging napakainit ngayon sa mga first-tier cities ng Tsina, na tulad ng Beijing, Shanghai at Shenzhen, ang mga palabas ng musical. Ayon sa estadistika ng Munisipal na Kawanihan ng Kultura at Turismo ng Beijing at Samahan ng Palabas ng Beijing, umabot sa 775 ang mga palabas ng musicals noong 2018 na lumaki ng 16.9% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Lumaki ng 26.7% ang bilang ng mga tagapanood na umabot sa 429 libong person time.

Ang puhunan mula sa pamahalaan at kapital na di-pampamahalaan ay naging puwersang tagapagpasulong sa likod ng pagiging mainit ng pamilihang ito. Ayon sa estadistika ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, mayroong 2478 pasilidad ng palabas sa buong bansa noong 2018, may mahigit 1.92 milyong upuan na lumaki ng 6.9% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

Pinauunlad ngayon ang kabuhayang Tsino sa bagong yugto, ang espirituwal na kasiyahan ay naging bagong kahilingan ng pagkunsumo ng mga mamamayan. Kasabay nito, ang mas mataas na taste ng mga consumers ay nagpapasulong din ng pag-unlad ng industriyang kultural sa mas mataas na kalidad. Ito ang dahilan sa mas mataas na antas ng naturang kababalaghan, ayon sa mga propesyonal na tauhan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>