|
||||||||
|
||
Ipinahayag Agosto 18, 2019, ng Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ikinalungkot sa ilang organisasyon na gumamit ng islogan na nakatuon sa pulisya sa demonstrasyon. Inulit niya na buong lakas na sinusuportahan ng pamahalaan ng Hong Kong ang solemnang pagpapatupad ng batas ng pulisya, taos-pusang pinasalamatan ang pagsisikap ng lahat ng mga pulis para ipanumbalik ang kaayusan at kapayapaan ng lipunan ng Hong Kong.
Tinukoy ng tagapagsalita na pagkatapos ng demonstrasyon noong nakaraang 2 buwan, maraming beses na ina-atake ng mga marahas na tauhan ang mga pulis, na nagdulot ng grabeng kapinsalaan sa istasyon ng pulisya, at ikinasugat ang mga 180 pulis.
Ipinahayag ng tagapagsalita na igalang ng pamahalaan ng Hong Kong ang karapatan ng mga mamamayan sa demonstrasyon at malayang pagpapahayag. Muling nanawagan ang pamahalaan ng Hong Kong sa mga tauhan na dapat ipahayag ang mungkahi sa mapayapang paraan sa halip ng karahasan, para mapanumbalik ang kaayusan sa Hong Kong sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |