Binuksan nitong Sabado, Agosto 17, 2019 sa Lunsod Zunyi, Lalawigang Guizhou sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang Ika-4 na Pandaidig na Ekspo ng Sili.
Ayon sa talang historikal, mahigti 400 taon na ang kasaysayan ng pagtatanim at pagkain ng sili sa Guizhou. Sa kasalukuyan, lampas sa 333,000 hektarya ang taniman ng sili sa Guizhou. Ang saklaw na ito ay katumbas ng 1/6 ng pambansang saklaw ng taniman ng Tsina at 1/10 ng daigdig. Umabot sa 200 ang bilang ng mga bahay-kalakal ng sili sa Guizhou at nagpoprodyus ng mahigit 50 uri ng produktong sili.
Salin: Jade
Pulido: Mac