Ayon sa isang ulat na inilabas nitong Lunes, Agosto 19, 2019 ng American National Association for Business Economics (NABE), ipinalalagay ng maraming ekonomista na darating ang resesyong ekonomiko sa Amerika sa loob ng darating na dalawang taon. Kabilang sa 226 na kalahok na ekonomista sa nasabing pagsusuri, 98% ng mga respondent ay nagtataya ng pagsasadlak ng kabuhayang Amerikano sa resesyon matapos ang kasalukuyang taon.
Kaugnay ng polisiyang pinansyal ng Amerika, ipinalalagay ng 51% respondent economist na nagiging "over excited" ang isinasagawang polisiyang pinansyal ng nasabing bansa.
Salin: Lito