Ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-23 ng Agosto 2019, ng Komisyon ng Taripa ng Adwana ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang pagpataw ng 10% o 5% karagdagang taripa sa halos 75 bilyong Dolyares na paninda mula sa Amerika, at isasagawa ang hakbanging ito sa pamamagitan ng dalawang yugto, isa ay ang unang araw ng susunod na Setyembre at isa naman ay ika-15 ng darating na Disyembre. Samantala, panunumbalikin sa ika-15 ng Disyembre ng taong ito ang pagpataw ng 25% o 5% karagdagang taripa sa mga sasakyan at mga piyesa ng sasakyang yari ng Amerika.
Ayon sa naturang komisyon, ang mga hakbanging ito ng Tsina ay bilang tugon sa balak na ipinatalastas kamakailan ng Amerika hinggil sa pagpataw ng 10% karagdagang taripa sa 300 bilyong Dolyares na panindang Tsino.
Salin: Liu Kai