Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Friendship Forest ng Tsina at Myanmar, itinanim sa Naypyidaw

(GMT+08:00) 2019-08-30 15:24:47       CRI

Idinaos Agosto 29, 2019, sa Naypyidaw, Myanmar, ang seremonya ng pagbubukas ng "China-Myanmar Friendship Forest." Magkakasamang itinanim nina Chenhai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, at Myo Aung, opisyal ng Naypyidaw, at ibang kinatawan ng dalawang bansa, ang mga Rosewood na sumasagisag ng pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar.

Sinabi ni Chen na magkakasamang itinatatag ng Tsina at Myanmar ang "The Belt and Road (BR)" at China-Myanmar Economic Corridor (CMEC). Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar, para lalo pang palalimin ang berdeng environmentally friendly na kooperasyon ng dalawang bansa at magkakasamang itatag ang "green silk road" at "green economic corridor," upang pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng Myanmar.

Ipinahayag naman ni Myo Aung na bumaba nitong ilang taong nakalipas ang forest cover rate ng Myanmar. Umaasa siyang mapag-aralan ng Myanmar ang mas maraming maunlad na karanasan ng Tsina sa pangangalaga sa kapaligiran.

Isasagawa ng Tsina at Myanmar ang mas maraming kooperasyon sa maraming ekolohikal na larangang tulad ng pananaliksik at pangangalaga sa biodibersidad, pagharap sa pagbabago ng klima at iba pa.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>