Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan ng HKSAR, mahigpit na kinondena ang marahas na aksyon ng mga radikal na raliysta

(GMT+08:00) 2019-09-01 15:05:32       CRI

Nitong Sabado, Agosto 31, 2019, ilegal na nagrali at nagsagawa ng marahas na aksyon ang mga radikal na raliysta sa maraming lugar ng Hong Kong. Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ng isang tagapagsalita ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na buong tinding kinokondena ng pamahalaan ng HKSAR ang paglala ng mga ilegal at marahas na aksyon ng mga radikal na raliysta. Aniya, tiyak at mahigpit na iimbestigahan ng panig kapulisan ang mga ito.

Sinabi ng nasabing tagapagsalita na ang mga marahas na aksyon ay grabeng sumisira sa katahimikang panlipunan, at nagdudulot ito ng napakalaking banta sa kaligtasan ng mga mamamayan at kapulisan ng Hong Kong. Aniya pa, patuloy na pangangalagaan ng pamahalaan ng HKSAR ang pangangasiwa alinsunod sa batas, at muli siyang nananawagan sa mga residente na manatiling malayo sa mga marahas na aksyon para mapanumbalik ang kaayusang panlipunan sa lalong madaling panahon.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>