Sina Xiao Qian (sa kaliwa), Embahador ng Tsina sa Indonesia, at Li Shukun (sa kanan), mamamahayag ng CMG
Gaganapin sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-16 na China-ASEAN Expo (CAExpo) mula Setyembre 21 hanggang 24, 2019. Ang Indonesia ay magiging theme country ng ekspong ito sa kasalukuyang taon.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesia, na sapul nang mag-umpisa ang CAExpo, ito ay nakakapagbigay ng positibong ambag para sa peripheral diplomacy strategy ng bansa, at pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan sa rehiyong ito.
Ipinagdiinan ni Xiao na sa hinaharap, magiging mas mabuti ang CAExpo upang ibayo pang mapatingkad ang papel nito bilang mahalagang plataporma para sa kooperasyong Sino-ASEAN. Ang katayuan, impluwensiya, at ambag ng CAExpo sa relasyong Sino-ASEAN ay ibayo pang magpapaunlad at magpapalakas sa kinabukasan, dagdag pa niya.
Salin: Lito