Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Qishan at Rodrigo Duterte, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-09-01 16:58:39       CRI

Foshan — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Agosto 31, 2019 kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, sa magkasamang pamumuno ng mga lider ng Tsina at Pilipinas, malusog at matatag na umuunlad ang bilateral na relasyong Sino-Pilipino, at mabisa ang isinasagawang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.

Ani Wang, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagkakaibigang Sino-Pilipino. Nakahanda aniya ang Tsina na walang humpay na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Pilipino sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, at konstruksyon ng imprastruktura.

Ipinahayag naman ni Duterte na malaking bunga ang natamo ng kanyang biyahe sa Tsina. Nakahanda ang panig Pilipino na patuloy na palawakin ang pakikipagkooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa panig Tsino, dagdag ni Duterte.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>