Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Amerika: kailangang magsikap para pasulungin ang pag-unlad ng relasyong bansa

(GMT+08:00) 2019-09-03 16:03:08       CRI

Nakipagtagpo Setyembre 2, 2019, dito sa Beijing, si Wang Chen, Kasangguni ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Pirmiihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, kay Steve Daines, Senador ng Amerika at Co-Chairman ng working group ng Tsina at Amerika, at kanyang entorahe.

Ipinahayag ni Wang na para sa Tsina at Amerika, ang kooperasyon ay magdudulot ng benepisyo pero ang komprontasyon ay magdudulot ng kapinsalaan. Dapat aniyang mataimtim na isakatuparan ng dalawang panig ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa pagtatagpo sa Osaka, igalang ang isa't isa, at magkasamang pasulungin ang kooperatibo at matatag na relasyong Sino-Amerikano. Ang pagpapalitan ng lehislatura ay makakabuti sa pagkaunawa at pagtitiwalaan sa isa't isa ng dalawang bansa, dagdag niya. Umaasa siyang gaganap ng positibong papel ang working group para rito.

Ipinahayag naman ni Steve Daines at ibang senador na nakahanda silang magsikap para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>