Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Outline for Building a Leading Sports Nation", inilathala ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-09-03 16:04:23       CRI

Inilathala kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "Outline for Building a Leading Sports Nation" layon nitong pasulungin ang pagtatatag ng isang nasyon na nangunguna sa palakasan, at ito ay bahagi ng kabuuang balangkas ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng buong Tsina. Ayon sa naturang outline, komprehensibong itatatag ng Tsina ang sosyalismong may-katangiang Tsino at modernong nasyong nangunguna sa palakasan. Ayon pa rito, ang palakasan ay magiging mahalagang usapin sa muling pag-ahon ng Nasyong Tsino.

Ipinaliwanag din sa naturang outline ang depinisyon at kongkretong target ng nasyong nangunguna sa palakasan at mga hakbangin na kailangang isagawa para itatag ang isang nasyong nangunguna sa palakasan.

Hinggil dito, isinalaysay Setyembre 2, 2019, ni Li Jianming, Pangalawang Puno ng General Administration of Sport of China, na iniharap sa outline ang target ng 3 yugto at kongkretong layunin sa 6 na aspekto. Ang mga ito aniya ay komprehensibong balangkas sa blueprint ng pagtatatag ng isang nasyong nangunguna sa palakasan.

 

Inilahad din sa outline na ang industriyang pampalakasan ay magiging pangunahing industriya ng pambansang kabuhayan sa taong 2035. Hinggil dito, sinabi ni Li na ang industriyang nabanggit ay bagong industriya na may sustenableng puwersa. Ayon sa pagtaya, sa 2035, aabot sa mga 4% ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa ang kabuuang bolyum ng industriyang pampalakasan ng Tsina na posibleng maging isang pangunahing industriya.

Inilahad din sa outline ang pagpapalaganap at pagsusulong ng mga larangan ng Football, Basketball at Volleyball. Sinabi ni Li na ito'y pagbibigay-diin sa papel ng 3 laro sa buong proseso ng pag-unlad ng palakasan.  

Hinggil sa isyu ng pagbi-bid o hindi ng Tsina sa 2030 FIFA World Cup, sinabi ni Li na ito ay isa sa mga target na na itinakda ng Tsinan a may-kaugnayan sa reporma ng Football. Pero ang ibang detalye ay depende sa aktuwal na kalagayan, aniya.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>