Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Paglabag ng FedEx sa batas, nakakapinsala sa sariling reputasyon

(GMT+08:00) 2019-09-04 09:18:03       CRI

Ayon sa ulat, ang FedEx, kilalang delivery services company ng Amerika ay pinaghihinalaang ilegal na naghatid ng isang paketeng naglalaman ng mga ipinagbabawal na kutsilyo sa Hong Kong. Ang nasabing mga may kinalamang aytem ay pansamantalang nasa kustodiya dinedeteni ng awtoridad ng Tsina, at isinasagawa ngayon ang imbestigasyon hinggil dito.

Ito ay isa na namang ilegal na aksyon ng FedEx. Nitong nagdaang Hunyo, ipinatawag ang kompanya ng panig Tsino dahil sa paglabag sa mga batas at regulasyon ng Tsina makaraang ikarga ang mga parselang may lamang baril na ipinadala mula sa Estados Unidos.

Ayon sa mga batas at regulasyon ng Tsina, dapat buong-higpit na sundin ng mga express delivery company ang mail inspection protocol sa pagtanggap at pagpapadala ng mga pakete. Hindi nila dapat ikarga ang anumang bagay na ipinagbabawal ng batas o maaaring magdulot ng problemang panseguridad. Mahigit tatlumpung taon na ang operasyon ng FedEx sa Tsina, kaya, alam na alam nitong nasa listahan ng ipinagbabawal na karga ang mga aytem na gaya ng baril, amunisyon at kontroladong kutsilyo. Ang serye ng ilegal na aksyon ng FedEx ay makakapinsala sa reputasyon at commercial credit nito.

Malaki ang potensyal ng express delivery market ng Tsina. Mainit na tinatanggap dito ang lahat ng mga kompanyang dayuhan, kung tatalima sila sa mga batas at regulasyon. Walang kompanya o indibiduwal sa Tsina ang may karapatang mangibabaw sa batas.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>