Kaugnay ng plano ng pagdaraos sa unang dako ng Oktubre sa Washington D.C. ng ika-13 round ng mataas na pagsasanggunian sa kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Amerika, sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-5 ng Setyembre 2019, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na isasagawa ng dalawang bansa ang talakayan sa working level hinggil sa konkretong pagsasaayos ng pagsasangguniang ito.
Umaasa rin aniya ang panig Tsino, na sa ilalim ng lubos na paghahanda ng kapwa panig, matatamo ang substansyal na progreso sa nabanggit na pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai