Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-4 na Ekspo ng Tsina't Bansang Arabe, binuksan; Pangulong Tsino, bumati

(GMT+08:00) 2019-09-06 10:34:01       CRI

Binuksan nitong Huwebes, Setyembre 5, sa Yinchuan, punong lunsod ng Ningxia, rehiyong awtonomo sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina. Mahigit 2,900 kompanya, institusyon, samahang panrehiyon, at samahang komersyal mula sa 89 bansa at rehiyon ay kalahok sa ekspo na tatagal sa Setyembre 9.

Nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng ekspo. Sa kanyang mensahe, kinilala ni Xi ang mga natamong bunga ng pagtutulungan ng Tsina't mga bansang Arabe. Diin niya, ang idinaraos na ekspo ay nagsisilbing kapaki-pakinabang na plataporma para mapalalim ang mga pragmatikong kooperasyon sa pamamagitan ng magkakasamang pagpapasulong ng magkabilang panig ng dekalidad na pag-unlad ng Belt and Road Initiative (BRI).

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>