Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-Afghani, isusulong pa

(GMT+08:00) 2019-09-08 15:21:58       CRI

Islamabad — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Setyembre 7, 2019 sa kanyang Afghani counterpart na si Salahuddin Rabbani, tinukoy ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na hinahangaan ng panig Tsino ang ibinibigay na pagkatig ng Afghanistan sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina. Ani Wang, sinusuportahan ng kanyang bansa ang pamahalaang Afghani sa pangangalaga sa soberanya, pagsasarili, at dignidad ng bansa.

Dagdag pa ni Wang, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Afghanistan para mapalalim ang kooperasyon sa magkasamang konstruksyon ng "Belt and Road," at mapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't-ibang larangan.

Ipinahayag naman ni Rabbani ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa Afghanitan sa mga larangang gaya ng kapayapaan, kaunlaran, at katatagan. Hinahangaan din niya ang ginagawang mahalagang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng mapayapang kompromiso, pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>