Ipinadala ngayong araw, Lunes, ika-9 ng Setyembre 2019, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, ang mensahe kay Kim Jong Un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea, bilang pagbati sa ika-71 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansang ito.
Sinabi ni Xi, na sa pamumuno ng Workers' Party, tuluy-tuloy na natatamo ng mga mamamayan ng Hilagang Korea ang progreso sa iba't ibang usapin. Nakahanda aniya siya, kasama ni Kim, na ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea, at ibayo pang pasulungin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai