Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng CMG, magkahiwalay na kinatagpo ng mga opisyal ng Reuters at Associated Press

(GMT+08:00) 2019-09-11 10:18:37       CRI

Beijing, Tsina—Magkahiwalay na nakipagtagpo Martes, Setyembre 10, 2019 si Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Presidente ng China Media Group, kay Michael Friedenberg, Presidente ng Reuters, at sa kinatawan ng Associated Press.

Sa pagtatagpo nina Shen at Friedenberg, nagpalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro tungkol sa katotohanan, obdyektibidad at katarungan ng pagbabalita. Sang-ayon silang palakasin ang kooperasyon ng CMG at Reuters sa mga aspektong gaya ng pagpapalitan ng impormasyon, pagbabahagi ng mga impormasyong pinansyal, pagbabalita ng mga mahalagang pangyayari at iba pa.

Mabunga ang kooperasyon sa pagitan ng CMG at Associated Press nitong nakalipas na ilang taon. Sa pagtatagpo ng mga opisyal ng dalawang ahensiya, sinang-ayunan nilang patuloy na palalalimin ang pagpapalita't pagtutulungan ng mga ahensiya, para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinbangan at win-win results.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>