Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangangalaga sa multilateralismo, binigyang-diin sa pulong ng mga ministro ng kabuhaya't kalakalan ng 10+3

(GMT+08:00) 2019-09-11 13:30:47       CRI

Bangkok, Thailand—Idinaos Martes, Setyembre 10, 2019 ang ika-22 pulong ng mga ministro ng kabuhaya't kalakalan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3). Binigyang-diin sa pulong ang pangangalaga sa multilateralismo, inulit ang pagpapalakas ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at ipinangakong puspusang pasusulungin ang pagtatapos ng talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa loob ng kasalukuyang taon.

Ayon sa magkakasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, kahit tuloy-tuloy na lumaki ang kalakalan ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, lumitaw ang tunguhin ng pagbagal ng kabuhayang pandaigdig, ang pag-usbong ng proteksyonismong pangkalakalan at damdamin laban sa globalisasyon ay nakaapekto sa sistema ng multilateral na kalakalan, at tumaas ang panganib at di-tiyak na elemento sa kabuhayang pandaigdig.

Muling ipinahayag ng mga kalahok na ministro na magpupunyagi para mapangalagaan ang isang bukas, inklusibo, malinaw, at walang pagtatanging sistema ng multilateral na kalakalan, na batay sa mga alituntunin.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>