Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kinatawan ng Hong Kong, kinondena ang lumalalang karahasan

(GMT+08:00) 2019-09-12 12:01:45       CRI
Sa kanyang talumpati kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Setyembre 2019, sa Ika-42 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na idinaraos sa Geneva, Switzerland, kinondena ni Pansy Ho Chiu-king, Tagapangulo ng Hong Kong Federation of Women, ang lumalalang karahasang ginagawa ng mga radikal sa lugar.

Sinabi ni Ho, na sapul noong ika-9 ng nagdaang Hunyo, naganap sa Hong Kong ang mahigit 130 demonstrasyon, at mahigit 110 sa mga ito, sa bandang huli, ay naging salat sa katuwiran, marahas at ilegal na aktibidad. Aniya, dahil sa epekto ng mga ito, napilitang magsara ang ilang daang maliit na bahay-kalakal sa Hong Kong, nawalan ng trabaho ang maraming manggagawa, at ang mga residente sa Hong Kong ay naging pinakamalubhang biktima.

Sinabi rin ni Ho, na para lumikha ng pangamba at kawalang-tiwala sa lipunan, sinira ng mga radikal ang mga pasilidad na pampubliko, nilapastangan ang pribasiya ng iba sa pamamagitan ng media at internet, at pinalaganap din ang mga pinilipit at di-totoong impormasyon.

Ang talumpati ni Ho ay kinakatigan naman ng mga kinatawan ng ilang bansang gaya ng Myanmar at Laos. Sinabi nilang, dapat igalang ang kalayaan sa pagsasalita, samantala dapat ding kondenahin ang lahat ng karahasan. Ipinahayag din nilang, ang mga pangyayari sa Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at dapat igiit ang "Dalawang Bansa, Isang Sistema."

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>