Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Premyer Tsino, nakipagtagpo sa tagapangulo ng USCBC

(GMT+08:00) 2019-09-13 09:15:28       CRI
Nakipagtagpo kahapon, Huwebes, ika-12 ng Setyembre 2019, sa Beijing, si Pangalawang Premyer Liu He ng Tsina, kay Evan Greenberg, Tagapangulo ng U.S.-China Business Council (USCBC).

Kaugnay ng pahayag ng Amerika hinggil sa pagpapaliban ng pagpataw ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino na nakatakdang isagawa sa unang araw ng darating na Oktubre, ipinahayag ni Liu ang pagtanggap ng panig Tsino. Sinabi rin niyang, sa susunod na linggo, isasagawa ng dalawang panig ang pagtatagpo sa working level, para magpalitan ng palagay hinggil sa balanseng kalakalan, market access, pangangalaga sa mga mamumuhunan, at iba pang isyu. Inaasahan ng buong daigdig ang pagtamo ng progreso ng pagsasangguniang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, dagdag ni Liu.

Sinabi naman ni Greenberg, na ayaw makita ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Amerika ang pagdaragdag ng taripa. Ipinahayag din niya ang pag-asang lulutasin ng Amerika at Tsina ang pagkakaiba sa pamamagitan ng pagsasanggunian, at panunumbalikin ang normal na pagpapalagayan sa kabuhayan at kalakalan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>