Sa pagtataguyod ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, China Science and Technology Exchange Center, at Chengqing Medical University, binuksan kahapon, Sabado, ika-14 ng Setyembre 2019, sa Johannesburg, Timog Aprika, ang workshop hinggil sa paggamit ng high intensity focus ultrasound (HIFU) para sa pag-aalis ng tumor.
Lumahok sa 15-araw na workshop ang 22 doktor mula sa 13 bansang gaya ng Timog Aprika, Pilipinas, Morocco, at iba pa. Matututuhan nila ang teorya ng ultrasound therapy, teknolohiya ng HIFU, pagsubok ng paggamit ng HIFU, at iba pa.
Ang teknolohiya ng paggamit ng HIFU para sa pag-aalis ng tumor ay idinebelop noong 1999 ng Chengqing Medical University ng Tsina. Sa kasalukuyan, may 2 makina nito sa buong Aprika, at matagumpay na nabigyang-lunas ang mahigit 410 may-sakit na may benign tumor o malignant tumor.
Salin: Liu Kai