Ayon sa resulta ng survey na inilabas kamakalawa, Biyernes, ika-13 ng Setyembre 2019, ng Consumer News and Business Channel (CNBC) ng Amerika, ipinalalagay ng halos 65% ng mga kinapanayam na kompanyang Amerikano, na sa darating na kalahating taon, ang patakarang pangkalakalan ng pamahalaan ng Amerika ay magdudulot ng negatibong epekto sa negosyo nila.
Ayon pa rin sa survey, ang mga di-matatag na elemento sa kalakalan ay nagbibigay ng presyur sa mga kompanya para sa pagpapalawak ng pamumuhunan. Sa buong daigdig, ipinalalagay ng mahigit 40% ng mga kinapanayam na kompanya, na sa loob ng darating na 12 buwan, hindi nilang palalawakin ang pamumuhunan. Sa Amerika naman, ang proporsiyong ito ay lumampas sa 50%.
Salin: Liu Kai