Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maskot ng Beijing 2022 Olympic Winter Games at Paralympic Games, ipinalabas

(GMT+08:00) 2019-09-18 15:15:53       CRI

Inilabas sa publiko, Seyembre 17, 2019 sa Beijing, ang malaking panda na pinangalanang "Bing Dwen Dwen" at lantern baby na tinatawag na "Shey Rhon Rhon," mga maskot para sa Beijing 2022 Winter Olympic Games at Beijing 2022 Winter Paralympic Games.

Sa seremonya ng pagpapalabas, pinapurihan ni Thomas Bach, Presidente ng Pandaigdigang Komite ng Olimpiyada (IOC) ang dalawang maskot. Aniya mayroong kapuwa kagandahan at katangian ng kulturang Tsino, ang dalawang maskot at tiyak na magiging kahanga-hangang sugo ng Beijing 2022 Winter Olympic Games at Beiing 2022 Winter Paralympic Games.

Ang maskot na "Bing Dwen Dwen" ay hango sa isang napakalaking panda na sumasagisag ng malusog na pangangatawan, matatag na mithiin at masiglang diwa ng Olympiyada. Ang maskot na "Shey Rhon Rhon" naman ay mula sa lantern o parol na may katuturang pangarap at pagpapaliwanag ng daigdig, na nagpapakita ng diwa ng mga atleta ng Paralympic Games.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>