Itinatanghal ang "Eksibisyon ng Terracotta Army ng Qin Dynasty" mula Ika-15 ng Setyembre hanggang Ika-15 ang Disyembre, 2019, sa Pambansang Museo ng Thailand. Ang eksibisyong ito ay magkakasamang itinataguyod ng Shaanxi Provincial Cultural Heritage Administration ng Tsina at Ministring Kultural ng Thailand. Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa mga terracotta army na lumabas sa Thailand.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Wissanu Krea-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na ang eksibisyon ay mahalagang bahagi ng mga aktibidad ng pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina at Ika-44 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand. Ito aniya ay hindi lamang nagpapakita ng mahabang kasaysayan at magandang sibilisasyon ng Tsina, kundi palatandaan din ng mabuting pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Itinatanghal sa naturang eksbisyon ang 133 relikya.