|
||||||||
|
||
Lumahok si Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand at iba pang mga 300 personahe mula sa sirkulo ng pulitika, militar, edukasyon komersyo at mga iskolar ng Thailand, sa Simposym bilang Pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, na idinaos Setyembre 16, 2019, ng Embahadang Tsino sa Thailand at Chulachomklao Royal Military Academy ng naturang bansa.
Malalim na tinalakay ng mga kalahok na iskolar ang tatlong tema: bunga na natamo ng Tsina nitong 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, pagpapalitang kultural ng Tsina at Thailand, at estratehikong kooperasyon ng dalawang panig.
Sa kanyang talumpati, isinalaysay ni Prinsesa Sirindhorn ang kalagayan ng lipunang Tsino, at pag-unlad at pagbabago sa iba't ibang yugto ng Tsina, na mula sa mga literaturang Tsino na isinalin niya. Pinapurihan din niya ang matalinong estratehiya ng pag-unlad ng Tsina at kahanga-hangang bunga na natamo ng bansa.
Ibinahagi rin ni Prinsesa Sirindhorn ang karanasan niya sa pagkakatatag ng paaralan sa lalawigan Sichuan ng Tsina para pasulungin ang pagpapalitan ng mga estudyante ng dalawang bansa. Iniharap niya ang pag-asa at mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa maraming larangang tulad ng pagbabawas ng kahirapan, edukasyon, relihiyon, pananaliksik at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |