Isiniwalat dito sa Beijing Miyerkules, Setyembre 18, 2019 ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na natapos na ang pagsusog sa negatibong listahan para sa market access sa taong 2019, at inaaprobahan ito ayon sa presedyur.
Noong katapusan ng 2018, inilabas ng Tsina ang ganitong listahanna angkop sa mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng kapuwa puhunang Tsino't dayuhan. Ayon sa salaysay ni Meng, pagkaraang ilabas ang listahang ito, maayos na ipinatupad ang iba't ibang sistema, at mainam ang natamong bunga.
Salin: Vera