Mula Setyembre 16 hanggang 18, 2019, isinagawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang opisyal na pagdalaw sa Rusya. Sa panahon ng biyahe, idinaos nina Premyer Li at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya ang ika-24 na regular na pagtatagpo. Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, ito ay isa pang mahalagang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang panig.
![]( /mmsource/images/2019/09/19/20190919101241518_89181.jpg)
Sa nasabing pagtatagpo, pinagplanuhan ng dalawang panig ang direksyon ng kanilang kooperasyon, nilagdaan ang mahigit sampung dokumentong pangkooperasyon, at nilinaw ang hakbanging pangkooperasyon sa susunod na yugto. Walang duda, ito ay nakakapagpasulong sa pagpasok ng pragmatikong kooperasyong Sino-Ruso sa bagong panahon, at nagkakaloob ng bagong enerhiya para sa pag-unlad ng relasyong ito sa bagong siglo.
Sa kasalukuyan, nasa bagong simula ang relasyong Sino-Ruso. Sa hinaharap, ibayo pang patitibayin ng Tsina at Rusya ang kanilang estratehikong pagtitiwalaan, palalalimin ang pagsasama-sama ng kapakanan, pasulungin ang konektibidad ng mga puso ng mga mamamayan, at magkasamang ipagtatanggol ang sistemang pandaigdig na ang United Nations (UN) ang nukleo. Sa bagong siglo, tiyak na lalabas ang napakalakas na kasiglahan sa kooperasyong Sino-Ruso sa bagong siglo.
Salin: Lito