Bumalik nitong Miyerkules, Setyembre 18, sa Shanghai, munisipalidad sa dakong silangan ng Tsina ang Xuelong 2, unang sarilinang yaring polar research vessel at icebreaker ng bansa, makaraan ang biyahe nito bilang pagsubok sa South China Sea (SCS).
Sa katatapos na 35 araw na paglalayag, 48 sistema't instalasyon ng siyentipikong pananaliksik ng Xuelong 2 ang sinubok. Ito ay paghahanda para sa ika-36 na ekspedisyon ng Tsina sa Antarctica.
Sa wikang Tsino, ang xue ay nangangahulugan ng niyebe at ang long naman ay dragon.
Salin: Jade
Pulido: Mac