Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga opisyal ng UN, bumati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC

(GMT+08:00) 2019-09-22 15:50:10       CRI

Sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) na itinaguyod Biyernes ng gabi, Setyembre 20, 2019 ng Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa United Nations (UN), binigyan ng lubos na pagpapahalaga ng mga mataas na opisyal ng UN ang tagumpay ng Tsina sa pag-unlad at ginawang ambag nito para sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig, at pagpapasulong sa pag-unlad ng buong mundo.

Sinabi ni Jean-Pierre Lacroix, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na Namamahala sa mga Suliraning Pamayapa, na napakalaki ng ambag ng mga tauhang pamapaya ng Tsina para sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga sibilyan, pagsasagawa ng konstruksyon ng imprastruktura, pagpapabuti ng mga mamamayan, at pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Aniya, salamat sa ibinigay na tulong ng Tsina, maaaring mabisang isagawa ng UN ang gawaing pamayapa sa buong mundo.

Saad naman ni Achim Steiner, Direktor ng UN Development Programme (UNDP), na sa ilalim ng walang humpay na pagsisikap ng Tsina, ilandaang milyong mamamayan ang nakahulagpos sa kahirapan. Nagkaloob din ito ng kapaki-pakinabang na karanasan sa ibang bansa, sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, pagharap sa pagbabago ng klima, laang-gugulin sa edukasyon at iba pa, dagdag niya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>