|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, inilarawan ni Kalihim Martin Andanar bilang isang bansang mayaman sa karunungan ang Tsina. Sinabi pa ng Communications Secretary, "Ang pagdiriwang na ito, ay katulad ng pagdiriwang ng kaarawan ng isang lolo. At ang pagiging lolo ay nangangahulugang paghantong sa edad na mayaman sa karunungan. Napakalaki ng pag-unlad ng Tsina sa ekonomiya at kultura. Ang kaisipan na ibinabahagi ng Tsina, di lamang sa loob ng bansa kundi maging sa mga kapitbansa at mga bansang sakop ng One Belt One Road Initiative ay lipos ng karunungan. Lubos na mapagbigay ang Tsina."

Saad pa niya, ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina ay nasa pinakamabuting kalagayan. Nararanasan ng kapwa panig ang masiglang kalakalan. Tumataas din ang bilang ng turismo mula sa Tsina. Ang Pilipinas ay nagluluwas ng mas maraming produktong agrikultural sa Tsina. Parami nang parami ang mga Tsinong negosyante at mamumuhunan sa bansa. Ang mga pamahalaan ng Pilipinas at Tsina ay patuloy na nagpupunyagi, pahayag ni Kalihim Andanar bilang pagtatapos.

Ang nasabing mensahe ay ipinahayag ni Kalihim Andanar sa media noong Huwebes, Setyembre 26, 2019 sa resepsyon ng Embahadang Tsino sa Maynila bilang pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Salin: Liu Kai
| v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
| v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
| v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
| v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
| Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
| Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
| Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
| Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
| More>> |
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |