
Isang maringal na gala bilang pagdiriwang ng Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) ang idinaos ngayong gabi, sa Tian'anmen Square, Beijing, kabisera ng bansa. Libu-libong kinatawan mula sa iba't ibang sektor at iba't ibang lahi ng bansa ang kalahok sa pagtatanghal na kinabibilangan ng koro, sayaw, palabas ng paputok, at iba pa.
Kasabay ng 90 minutong palabas, naging maliwanag ang langit ng Beijing sa palabas ng makukulay na paputok. Binuo ng palabas ng paputok ang numerong 70, salitang Tsino na Chinese Dream, hugis basket ng bulaklak, berdeng puno at iba pa.




Salin: Jade
Pulido: Mac