Sa People's Daily, pinakamalaganap na pahayagan sa Tsina, na inilathala ngayong araw, ika-3 ng Oktubre 2019, inilabas ang tatlong artikulo bilang positibong pagtasa at papuri sa pagkokober ng China Media Group (CMG) sa maringal na selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, na idinaos noong unang araw ng buwang ito, sa Beijing.
Anang mga artikulo, isinagawa ng CMG ang matagumpay at kahanga-hangang live coverage ng nabanggit na selebrasyon, at ginamit nito ang mga maunlad na teknolohiya at kagamitan sa live coverage, upang maranasan ng mga manonood ang selebrasyon parang saksihan ito sa pamamagitan ng sariling mga mata.
Binanggit din sa isang artikulo, na ginawa ng CMG ang isang 4K ultra-high-definition na pelikula sa diyalektong Cantonese na nagtatampok sa nasabing selebarasyon, para itanghal ito sa mga sinehan sa Guangzhou-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, lugar kung saan ginagamit ang naturang diyalekto. Ito ay isang kapuri-puring gawain, dagdag ng artikulo.
Salin: Liu Kai