Simula noong 1980, magkakasunod na sumapi ang Tsina sa World Intellectual Property Organization (WIPO), at mga pandaigdig na kombensyon sa aspekto ng intellectual property, na gaya ng patents, trademark, copyright, at iba pa. Noong 2018, lumampas sa 4.2 milyon ang mga patent application na ginawa ng Tsina sa loob at labas ng bansa, at ang bilang na ito ay nananatiling unang puwesto sa daigdig nitong nakalipas na 8 taong singkad.
Ipinahayag minsan ni Francis Gurry, Direktor-Heneral ng WIPO, na sa loob lamang ng mahigit 30 taon sapul nang ilabas noong 1984 ang unang batas sa patente, nabuo na ng Tsina ang primera klaseng sistema ng intellectual property, at natamo ang kapansin-pansing bunga sa pangangalaga sa intellectual property.
Ang walang humpay na pagpapasulong ng Tsina ng sistema ng intellectual property, at tuluy-tuloy na pagpapalakas ng pangangalaga sa intellectual property ay makakabuti sa progreso ng siyensiya't teknolohiya at pag-unlad ng inobasyon. Mabuti nitong pinapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga dayuhang mamumuhunan sa Tsina, at pinapasigla rin ang kakayanan ng mga mamamayang Tsino sa pagsasagawa ng inobasyon. Dahil din dito, nagagawa ng Tsina ang parami nang paraming inobatibo at de-kalidad na produktong may sariling intellectual property.
Sa kasalukuyan, pinapatingkad din ng Tsina ang palaki nang palaking papel sa pangangalaga, pagpapalakas, at pagbalangkas ng mga pandaigdig na tuntunin ng intellectual property. Gaganap naman ang intellectual property ng mas malaking papel sa pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng Tsina.
Salin: Liu Kai