Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, ginawaran ng "Medalya ng Republika" si Yuan Longping, 90-taong gulang na kilalang ekspertong agrikultural ng Tsina, bilang gantimpala sa kanyang pag-aaral at pagpapalaganap ng hybrid rice nitong maraming taong nakalipas. Ang mga natamong bunga ni Yuan sa aspekto ng hybrid rice ay nagbigay ng kapansin-pansing ambag hindi lamang sa kaligtasan ng pagkain ng Tsina, kundi rin sa pagsuplay ng pagkain sa daigdig.
Sa ilalim ng kalagayang maliit ang saklaw ng mga bukirin at malaki ang populasyon, laging itinuturing ng pamahalaang Tsino ang pagpapalakas ng pagpoprodyus ng pagkain bilang isa sa mga mahalagang paraan ng pagbabawas ng kahirapan. Dahil dito, nitong mga taong nakalipas, nananatiling manguna sa daigdig ang output ng mga pagkaing-butil ng Tsina, at makakatulong ito sa pagbabawas ng kahirapan ng bansa.
Bukod sa pagpapalakas ng pagpoprodyus ng pagkain, isinasagawa rin ng Tsina ang maraming iba pang hakbangin para mabawasan ang kahirapan, na gaya ng pagpapalakas ng kakayahan sa sustenableng pag-unlad ng mga mahirap na populasyon at lugar, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng turismo, pagpapaunlad ng mga industriya, pagpapabuti ng ekolohiya, at iba pa. Dahil sa mga mabisang hakbanging ito, natamo ng Tsina ang napakalaking bunga sa pagbabawas ng kahirapan. Nitong 70 taong nakalipas, mahigit 850 milyong mahirap na populasyon ang nai-ahon ng Tsina, at sa katapusan ng susunod na taon, may pag-asang mapapawi ang kahirapan sa bansa batay sa kasalukuyang nakatakdang pamantayan.
Habang isinasakatuparan ang sariling target sa pagbabawas ng kahirapan, nagbibigay-tulong din ang Tsina sa ibang bansa sa mga aspekto ng pondo, teknolohiya, proyektong pangkooperasyon, at pagsasanay ng yamang-tao, para mabawasan nila ang kahirapan. Sa hinaharap, patuloy na palalaganapin ng Tsina ang mga mabisang hakbangin at karanasan nito sa pagbabawas ng kahirapan, at pasusulungin ang pagbuo ng sistema ng pandaigdig na pagpapalitan at pagtutulungan sa aspektong ito, para ibayo pang magbigay-ambag sa pandaigdig na usapin ng pagbabawas ng kahirapan.
Salin: Liu Kai