Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kongresong Amerikano, naghain ng subpoena sa White House

(GMT+08:00) 2019-10-06 13:03:00       CRI

Hiniling nitong Biyernes, Oktubre 4, 2019 ng House of Representatives ng Kongresong Amerikano sa bisa ng subpoena na isumite ng White House ang kumpletong dokumentong may kaugnayan sa pag-uusap sa telepono nina President Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky noong Hulyo 25. Ito ay kaugnay ng inihaing na impeachment inquiry ng House of Representatives laban kay Trump.

Kasalukuyang isinasagawa ng House of Representatives ang imbestigasyon tungkol sa mga kilos na gaya ng pagpapataw ni Trump ng presyur laban sa Ukraine para dayain ang halalang pampanguluhan ng Amerika sa taong 2020, pag-detain sa military aid sa Ukraine, at anumang aksyong nagtatangkang itago ang nasabing mga plano. Maraming beses nitong hiniling sa White House na proaktibong isumite ang mga kaukulang dokumento, ngunit wala pang anumang inilabas na reaksyon mula sa White House.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>